Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Mainam na paligid para sa masayang pamilya

 

00 fengshuiANG inyong bahay ang lugar na kung saan umuuwi ang pamilya at nagkakatagpo-tagpo ang kanilang mga chi. Gaano man ito ka-harmonious, apektado ito ng ambient chi ng inyong bahay. Kapag mabilis ang pagkilos ng chi, makararanas kayo ng kaguluhan at mahihirapan kayong ito’y payapain nang sama-sama; dahil marami ang vertical chi, hindi kayo makapag-i-inter-act nang maayos.

Ang ideyal ay ang fairly constant at pantay na pagdaloy ng chi kasama nang malakas na horizontal component na naghihikayat sa bawa’t isang makaramdam nang magkakaayon.

Kung mayroong slightly more downward chi, mas madaling ayusin ng pamilya ang kaguluhan.

ANO ANG DAPAT GAWIN?

Komportableng maupo at masusing isipin ang hinggil sa mga dapat pagbutihin sa pamumuhay ng pamilya. Halimbawa, paglalaan nang sapat na oras na kayo’y magkakasama, maging malapit sa isa’t isa, masayang magkakasama, at inirerespeto ang bawa’t isa.
Suriin ang siyam na tipo ng chi upang makita ang direksyong magdudulot ng uri ng chi na higit n’yong kailangan. Halimbawa, ang northern chi ay nakatutulong sa pagbibigay ng espasyo sa bawa’t isa; ang western chi ay naghihikayat sa bawa’t isa na maging masaya at playful; ang north-western chi ay nakatutulong sa mga taong maging mas magalang sa bawa’t isa.
Kapag natukoy na ang chi na higit n’yong kailangan, sikaping maisama ito sa mga kulay, materials at hugis o special feng shui features sa inyong bahay. Halimbawa, upang makabuo ng maraming western chi, maaari kang gumamit ng kulay pink, metal objects, round shapes at ilang pink flowers sa isang silver vase.
Ibahin ang pwesto ng kama upang ang inyong ulo ay nakaturo sa direksyon ng chi na higit n’yong kailangan; o umupo sa direksyong ito nang madalas. Halimbawa, upang makabuo nang higit na malapit, mas mapag-aruga, at stable family atmosphere, sikaping makaakit ng higit na south-western chi.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …