PITONG milya northwest ng San Marcos, Texas ay mayroong 16-acre ranch na tinawag na Freeman Ranch. Sa extra ordinary ranch na ito ay hindi nagpapalago ng mga pananim o nag-aalaga ng mga hayop.
Sa ranch na ito ay mayroong nakakalat na 50 o mahigit pang naagnas na hubo’t hubad na mga bangkay. Ngunit huwag mag-panic, hindi ito tambakan ng salvage victims. Ang mga bangkay rito ay para sa mabuting layunin.
Ang Freeman Ranch o ang “Body Farm” ay bahagi ng Forensic Anthropology Center ng Texas State University. Ang pangunahing layunin nito ay pag-aaralan kung paano naaagnas ang bangkay ng tao.
Ilang beses kada buwan, bagong mga bangkay ang dinadala sa ranch. Nililinis ang mga ito at ikina-catalog ng researchers at graduate students bago nila ikakalat sa farm. Ang mga bangkay na pawang donasyon, ay iiwanan sa iba’t ibang lugar upang mabatid ang epekto ng iba’t ibang weather conditions at terrain settings, sa decomposition ng katawan ng tao.
Ang iba ay iniiwanang nakabilad sa araw, sa mga damuhan, habang ang iba ay sa mga lilim ng Ashe juniper at oak trees. Karamihan ay protektado ng two-foot-high metal cages, ngunit ang ilan ay ‘fully exposed’, upang maobserbahan ng researchers ang epekto ng pag-atake ng mga buwitre gamit ang nakakabit na mga camera sa mga punongkahoy.
Ang mahusay na pag-unawa sa proseso ng decomposition ay nakatutulong sa pagsasagawa ng criminal investigations. Ang isinasagawang obserbasyon sa body farms ay naging susi sa mga kasagutan sa mga palaisipan katulad ng “how long ago the person died”. Nagagamit din ng research institute ang kanilang kaalaman sa human decomposition sa pagtukoy sa katawan ng daan-daang katao na namamatay sa dehydration o heat stroke kada taon makaraan tawirin ang border patungo sa Texas.
“What researchers really want to do is comprehensively map the necrobiometo aid in determining the post-mortem interval. Figuring out how long a recent body has been dead is fairly easy, but for those that have been lying around for months, narrowing it down becomes increasingly difficult. Thenecrobiome could be a solution.”
(http://wereblog.com/freeman-ranch-body-farm)