Sabay na lumapit ang magnobyo at magnobya sa bangkerong nagdadaong ng bangkang de-motor.
“Pwede po ba kaming magpahatid sa inyo sa karatig-bayan?
Hindi agad sumagot ang matandang bangkero. Pinagmasdan muna nitong maigi sina Karlo at Jasmin.
“Pasensiya na kayo, ha? Utos kasi sa aming mga bangkero, e ‘wag kaming magsasakay basta-basta ng pasahero,” sabi ng matandang lalaki.
“Sino pong nag-utos sa inyo?” agap ni Karlo.
“’Yung anak ni Gob… si Jetro…” ang sagot ng bangkero.
Nagitla sina Karlo at Jasmin. Nanga-ngahulugan na talaga palang mahigpit pa rin silang tinutugis ni Jetro.
“Manoy, sige na po… Dodoblehin po namin ang renta sa bangka n’yo…” pakiusap ni Jasmin.
Umiling-iling ang matandang lalaki na may inginuso sa gawing likuran ng magkatipan.
Sabay na napalingon ang magkatipan.
Si Andy! Si Andy na siga-sigang bata-bata ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan. Ito pala ‘yung sakay ng kotseng bumuntut-buntot sa traysikel na sinakyan ka-nina nina Karlo at Jasmin.
Humanda si Karlo sa anumang mangyayari. Kilala kasi niya si Andy na halang ang kaluluwa at isang mamamatay-tao. Itinutu-ring na karibal pa rin niya ito kay Jasmin at posibleng pangunahing disipulo pa ni Jetro.
Akmang kakaripas ng takbo si Jasmin pero maagap itong napigilan sa braso ni Andy.
“’Wag kang matakot sa akin, Jas… Ka-kampi n’yo ako,” ang idiniga agad nito sa dalaga.
Natulala si Jasmin. Napakunot ang noo ni Karlo sa narinig na pahayag ni Andy.
“Isakay mo sila sa bangka mo, Manoy…” utos nito sa bangkero.
“Naku, magagalit si Jetro, papatayin ako n’yon,” palag ng matandang lalaki.
“Sagot kita, Manoy… At akong bahala kay Jetro,” ang matigas na tugon ni Andy.
“Sinabi mo, e… sige,” pagpayag ng bangkero.
“Tandaan mo lang, Manoy… Kapag nakarating ito kay Jetro o kaninuman ay ikaw naman ang mananagot sa akin,” babala ni Andy sa matandang lalaki. “Maliwanag ba?” (Itutuloy)
ni Rey Atalia