Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH women’s team kumpleto na

 

KUMPLETO na ang lineup ng Philippine women’s indoor volleyball team na ipanlalaban sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa darating na June 5-16.

Para kay Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. president Joey Romasanta, the best sa kanya ang final 12 na nabuo sa pangunguna ni coach Roger Gorayeb.

Ang pambato ng Ateneo Lady Eagles at UAAP MVP Alyssa Valdez ang nanguna sa listahan na mga napili para sa Philippine team at makakasama niya sina Rachel Anne Daquis, Dindin Santiago-Manabat, Jaja Santiago, Bea de Leon, Rhea Dimaculangan, Jovelyn Gonzaga, Denden Lazaro, Jia Morado, Maika Ortiz, Grethcel Soltones at Abi Marano.

Matagal din na hindi nagpadala ang Pilipinas ng women’s volleyball team sa nasabing biennial games.

Wala sa listahan ng team si Aiza Maizo-Pontillas pero puwede siyang makasama bilang reserve.

Makakaharap ng Pilipinas ang Southeast Asian powerhouse teams ng Thailand at Vietnam.

Kasama ni Gorayeb sa coaching staff sina Tai Bundit, Parley Tupaz at Edjet Mabbayad.

Sa Hunyo 10 ang umpisa ng paluan ng bola at sa Hunyo 4 ang alis ang team. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …