Wednesday , November 20 2024

PCSO Silver Cup Race paghahandaan

00 rektaIsang bigating line-up ang tiyak na paghahandaan natin mga klasmeyts, iyan ay ang idaraos na “PCSO Silver Cup Race” sa darating na Hunyo 21, 2015 sa pista ng Metro Turf Club, Inc. sa Malvar, Batangas.

Ang tampok na pakarerang iyan ay pinangungunahan ng kampeong mananakbo na si Hagdang Bato na papatnubayan ng may gamay sa kanya na si jockey Unoh Basco Hernandez. Ang kanilang mga makakalaban ay sina Kanlaon ni Val Dilema, Malaya ni Dunoy Raquel Jr., Dixie Gold ni Deo Fernandez, Hot And Spicy ni Jordan Cordova, Kaiserslautern ni Jeff Zarate, Low Profile ni Mark Alvarez, Sky Way ni Viong Camañero at Pugad Lawin ni Pati Dilema.

Sila ay maglalaban sa mahabang distansiya na 2,000 meters at may nakalaan na halagang P2.5M bilang groseng papremyo para sa may-ari o koneksiyon ng magwawaging kalahok. Halagang P700,000.00 sa segundo, P350,000.00 sa tersero at P250,000.00 para sa ikaapat na puwesto.

ni Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *