NAUUSO ngayon ang makakapal na labi ngunit paano makakamit ito nang walang panganib sa kalusugan?
Sa kasalukuyan, marami ang nabibighani kay Kylie Jenner—ang 17-anyos na kapatid ng sikat na celebrity na si Kim Kardashian—dahil sa kanyang mga labing animo’y nag-aanyayang halikan. At para matulad sa kanya, maraming mga fans ng reality TV star ang gumagamit ng mga botelya bilang panipsip sa kanilang bibig para magaya ang labi ng kanilang idolo sa prosesong binansagang Kylie Jenner Lip Challenge.
Pero kinondena mismo ni Jenner ang prosesong ito dahil sa panganib na ibi-nibigay sa mga kabataang fans at inamin na rin sumailalim siya sa cosmetic procedures na gumamit ng mga filler para sa kanyang ‘plump lips.’
Hindi nakaligtas mapansin ng isang doktor ang mapanganib na paggamit ng botelya ng mga teenager para magkaroon ng mga labi tulad ni Jenner.
Ayon kay Dr. Joney De Souza ng popular na Dr. Joney De Souza Aesthetic Clinic, “maaaring magresulta ang paggamit ng mga gadget tulad ng botelya sa pamamaga ng labi na kadalasan ay huma-hantong sa pagkasira ng hugis ng bibig kaysa ina-asahang aesthetically ba-lanced na resulta.”
Noong una, pinilit ni Jenner na ang kanyang ‘pouting lips’ ay dala lamang ng make-up na likha ng kanyang makeup artist na si Mary O’Harrington. Ngunit dahil na rin sa nais na tunay na maging maganda ang kanyang mga labi, nagpa-lagay ang aktres ng injectable dermal filler.
Ngayon, kung ikinokonsidera ang lip augmentation, babala naman ni De Souza, kailangang malaman na maganda lamang ito kung babagay sa hugis ng mukha at iba pang aspeto ng personalidad ng taong nagnanais na magkaroon nito.
“Mayroon namang mga lip pumping cream na available kung hindi makapagti-yagang umupo at mag-apply din ng lip li-ner at dapat na umiwas din sa mga ineksiyon,” aniya.
Kinalap ni Tracy Cabrera