PINALAYA na ang tagapagmana ng Korean Air (KAL) na ipinakulong dahil sa pagwawala sa loob ng kanilang eroplano matapos siyang hainan ng Macadamia nuts na nakalagay pa sa supot at hindi sa plato, ayon sa mga report sa South Korea.
Dating bise presidente ng nasabing airline, ipinakulong si Cho Hyun-Ah noong Disyembre pa ng nakaraang taon makaraang masangkot sa tinaguriang December ‘nut rage’ sakay ng Seoul-bound KAL flight mula sa New York.
Pinagalitan ni Cho ang chief steward ng airline sanhi ng ginawa ng cabin crew at hini-ling na pabalikin sa nilisang gate ng airport ang kanilang flight para ma-eject ang nagkamaling emple-yado.
Sa naganap na paglilitis, sinabi ng district court sa Seoul na lumabag ang da-ting KAL executive sa aviation safety laws sa ilegal na pagpapabago ng rota ng sinasakyang eroplano na noo’y ‘in flight’ na nang tumakbo sa runway ng paliparan.
Ngunit nabaligtad ang desisyong ito ng korte sanhi ng ruling na ang pagpapabalik sa airport gate ay “hindi pagpapabago”ng flight path ng eroplano.
Habang inilarawan ang pagwawala ni Cho bilang ‘modest’ kaugnay ng panganib na kanyang nilikha sa kaligtasan at seguridad ng eroplano, kinatigan din ng district court ang paghatol sa kanya para sa pag-antala sa operasyon ng eroplano at karahasan laban sa cabin crew nito.
Nagbigay ng sinum-paang salaysay ag chief steward na si Park Chang-Jin na sapilitan siyang pinaluhod ng dati niyang amo at pinagmakaawang patawarin habang sinusundot ng service manual.
Sa kabilang dako, nagsampa naman ng kasong sibil ang flight attendant na naghain ng ‘mani’ laban kay Cho, na sinabi niyang tinakot siya at pinagmumura bukod sa pagpilit sa kanyang magsinungaling tungkol sa insidente sa mga government regulator.
Kinalap ni Tracy Cabrera