SURIIN ang mga direksyon sa bahay na magbibigay ng uri ng chi na higit na kailangan ng pamilya.
* East – Dahil sa pagiging aktibo sa paggawa ng mga bagay; madaling makapag-move on mula sa mga sigalot at naipagpapatuloy ang buhay.
* South-east – Dahil sa pagiging sensitibo sa bawa’t isa; naiiwasan ang pakikipagkomprontasyon at muling nagkakaayon.
* South – Madalas lumabas ng bahay at kaunting panahon na lamang ang inilalagi sa tahanan; expressive at interactive sa bahay.
* South-west – Mas malapit sa isa’t isa at higit na nakadepende sa bawa’t isa; mas mapag-aruga, nagbibigayan, simpatikong klase ng mga tao.
* West – Mas masayang magkakasama; playful at kuntento sa bawa’t isa.
* North-west – Nagpapakita ng higit na respeto sa bawa’t isa, umaakto ng may higit na dignidad at responsable sa bawa’t miyembro ng pamilya.
* North – Nagbibigay ng higit na espasyo sa bawa’t isa at ginagawa ang sariling gawain; mapagtanggap at mapagmahal, ngunit independent.
* North-east – Sa pagiging mas klarado at higit na direkta sa bawa’t isa; hindi tinatanggap ang mga sitwasyong hindi kayo magiging masaya.
ni Lady Choi