SACRAMENTO, Calif. (AP) — Muling nagkaroon ng bagong pagkakataon na mabuhay ang California cat na si Vanilla Bean na may congenital heart defect
Nagsama-sama ang isang team ng mga doktor ng tao, kasama ang isang beterinaryo upang operahan ang isang taon gulang na Burmese cat. May naipong dugo sa puso ni Vanilla Bean, na nagresulta ng paglaki ng chamber. Ang depektong ito ay nakikita rin sa mga bata.
Kapag hindi nalunasan, ito ay posibleng humantong sa congestive heart failure.
Ang technique sa pagresolba sa problema sa puso ay sinasabing nagawa na noon, ni University of California, Davis veterinarian Josh Stern – ang siya ring nag-opera kay Vanilla Bean, ayon sa ulat ng Sacramento Bee.
“I needed a human cardiology team to help guide me on this case,” pahayag ni Stern sa news release mula sa UC Davis Veterinary Medical Teaching Hospital. “It’s so uncommon in cats. It’s uncommon in children also, but they’ve certainly seen more cases of this than I have.”
Nakipag-team si Stern sa cardiologists mula sa UC Davis Medical Center at sa iba pang beterinaryo para buksan ang dibdib ng pusa at maglagay ng catheters at balloons sa loob ng puso ni Vanilla Bean.
Naging matagumpay ang operasyon. Maraming dugo ang nawala kay Vanilla Bean ngunit nakahanda ang transfusion mula sa malaking veterinary blood bank.
Ang pagkawala ng dugo ay maaaring magdulot ng kidney injury, ngunit ang pusa ay agad nakauwi walong araw makaraan ang operasyon. Makaraan ang apat buwan, nakita sa pagsusuri na hindi na daranas ang pusa ng congestive heart failure.
Sinabi ni Stern, umaasa siya sa ganap na paggaling ni Vanilla Bean.