Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

West Finals: Warriors tinuhog ang Game 1

 

052115 NBA rockets warriors

NAKAHABOL ang Golden State Warriors mula sa 16 puntos na kalamangan ng Houston Rockets sa ikalawang quarter upang maiposte ang 110-106 panalo kahapon sa Game 1 ng NBA Western Conference finals na ginanap sa Oracle Arena sa Oakland, California.

Nanguna si NBA MVP Stephen Curry sa kanyang 34 puntos, kabilang ang kanyang dalawang free throw sa mga huling segundo ng laro, upang makuha ng Warriors ang 1-0 na kalamangan sa best-of-seven na serye.

Isang 21-4 na ratsada sa pagtatapos ng ikalawang quarter sa pangunguna ni Curry ang nagbigay sa Warriors ng 58-55 na trangko sa halftime pagkatapos na lumamang ang Rockets, 49-33.

Nakalayo ang Warriors sa 108-97 sa huling quarter bago naghabol ang Rockets sa pangunguna ni James Harden upang tapyasan ang kalamangan sa 108-106 bago ang dalawang free throw ni Curry na nagsiguro sa panalo ng Golden State.

Nagtala si Harden ng 28 puntos, 11 rebounds, siyam na assists at apat na agaw para sa Rockets.

Gagawin ang Game 2 ng serye bukas sa Oakland, California pa rin bago lumipat ang serye sa Houston para sa Game 3 at 4.

Samantala, magsisimula ngayon ang Eastern Conference finals ng NBA na paglalabanan ng Cleveland Cavaliers at Atlanta Hawks.

Gagawin ang Game 1 ng serye ngayong alas-9 ng umaga sa Philips Arena sa Atlanta, Georgia at mapapanood ang laro sa ABS-CBN Channel 2.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …