Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-21 Labas)

00 ngalan pag-ibig“Check-out na tayo?” usisa ni Jasmin kay Karlo na maayos na ang mga kasuotan.

“Oo,” tango ng binata sa katipan. “Aalamin ko lang sa ibaba ang dapat na-ting bayaran.”

Sa ibaba ng motel, kinompirma ng receptionist sa mga tauhan ni Jetro na naka-check-in nga roon ang isang mag-boyfriend-mag-girlfriend.

“Baka sila na nga ang hinahanap n’yo,” sabi ng matabang babae na tumatao sa counter.

“Itawag mo kay Bossing Jetro na narito tayo…” utos ng pinakalider ng mga goons sa isang tauhan. “Susunod daw ‘yun dito sa atin.”

“Iba talagang mag-trip ang bossing natin, ‘no?” sabi ng lalaking may hawak sa two-way radio.

“Ewan ko nga ba… Napakarami na-mang chikababes, e mas type pa ‘yung umaayaw sa kanya,” ang naiiling na sabi ng lider ng mga bata-batang goons. “At ang masaklap pa n’yan, matindi rin ang pagsintang pururot ni Andy sa Jasmin na ‘yun, a.”

Iyon ang mga usap-usapang narinig ni Karlo sa punong-hagdanan ng ikalawang palapag ng motel. Kaya naman mabilisan niyang binalikan si Jasmin sa inookupahan nilang silid.

“Magbihis ka, bilis!” aniya.

“Bakit, Karl?”

“Nandiyan sa ibaba ang mga aso ni Jetro…”

Kumahog na nagbihis si Jasmin.

“Sa bintana tayo daraan…” pagbibigay-instruksiyon ni Karlo sa dalaga.

Itinali ni Karlo sa rehas ng bintana ang pinagdugtong na dalawang kurtina ng kuwarto ng motel. Doon niya pinaglambitin ang nobya sa paglapag sa lupa. At gayondin ang kanyang ginawa sa pagtakas doon.

Sumakay sina Karlo at Jasmin sa isang pampasaherong traysikel. Noon namataan ng pangkat ni Jetro ang kanilang pagtakas.

“Hayun sila… Habulin!”

Parang iisang taong nagsikilos ang mga goons. Nagdambahan ang mga ito sa dalawang nakaparadang sasakyan sa tapat ng motel. Agad na pinasibad iyon ng dalawang lalaking nasa harap ng manibela. At paharurot na binuntutan ang traysikel na sinasakyan ng magkasintahan.

“Tigil… Huminto ka!” ang sigaw ng tauhan ni Jetro sa nagmamaneho ng traysikel.

“Bilisan mo, P’re…” utos naman ni Karlo sa tricycle driver. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …