Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hey, Jolly Girl (Part 16)

00 jollyNAKALIMOT SI JOLINA AT MULING NAKIPAGTAMPISAW KAY ALJOHN

Hindi lang sila nagpalitan ng text messages. Nag-usap din ang kanilang mga mata.

“Puwede ba kitang makausap ng sarilinan?” text ni Aljohn.

“Mahigpit ang bodyguard ko…” reply niya, ang tinutukoy na “bodyguard” ay si Teena.

“Dispatsahin mo muna…” text ulit ng ex niya.

Pinadalhan niya ito ng “smiley” sa cellphone.

Napakamot sa ulo si Aljohn.

Para bang walang naging kasalanan o atraso kay Jolina si Aljohn. At sa pakikitu-ngo sa ex-BF ay dinaig pa nga niya ang isang dalaga na walang pananagutan sa buhay. Porke nasa malayo si Pete, naging malaya siya sa mga pagkilos.

At minsan pa siyang bumigay sa binata.

Pumasok sila ni Aljohn sa isang class na motel. Doo’y muli niyang nalasap ang kasiyahan sa piling nito. Pinalipad-lipad niyon ang kanyang kamalayan. Nakalimot na mayroon na siyang asawang dinudu-ngisan ang pangalan.

“Aljohn… Oh, Aljohn!”

Pag-uwi ni Jolina, wala sa kanilang bahay ang anak na si Alyssa. Agad niyang tinawagan ang cellphone ng yayang tagapag-alaga ng bata.

“Sa’n kayo ng anak ko?” tanong niya sa yaya.

“Dinala ko s’ya rito sa ospital, Ate…” sagot nito.

“Ha? Bakit, Inday?”

“Kasi, Ate, kinumbulsiyon si Alyssa sa taas ng lagnat.”

Magdamag na na-confine sa ospital ang kanyang anak. Bumuti rin naman agad ang kalagayan ng bata. Kinaumagahan ay naiuwi na niya sa bahay.

“Masigla naman ang baby ko, ah,” panghahalik niya sa anak.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …