Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brazilian star player nangakong mananatiling virgin

 

052115 David Luiz

KAMAKAILAN ay binawtismohan ang dating Chelsea man na si David Luiz at nangakong mananatiling isang virgin hanggang sa ikasal siya sa kanyang kasintahang si Sara Madeira.

Bininyagan ang Brazilian star player sa isang swimming pool ng kanyang PSG team-mate na si Maxwell (shown below) sa pangangasiwa ng Pentecostal Hillsong Church.

“Pinili kong maghintay.” Pahayag ng 28-anyos na footballer.

Nagpatuloy si Luiz para bigkasin ang mga bersikulo sa Biblia: “Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation. The old has passed away; behold, the new has come. (2 Corinthians 5:17 KJV).”

“Napakagandang mamuhay sa Panginoon, salamat sa pagmamahal mo at pag-aaruga sa akin,” dagdag niya.

“Ang buhay ko’y para sa Iyo, at ako’y Iyong utusan! Ikaw ang nasa sentro ng lahat ng aking desisyon! Mahal ko ang Di-yos! Amen.”

Nag-ayuno rin sa sex ang kanyang kasamahang si Kaka hanggang makapag-asawa kay Caroline Celico noong 2005 sa edad na 23-anyos.

“Ako’y mabuting halimbawa,” ani Kaka. “Maraming tao ang nagsasabing matapos ang kasal ay wala na silang ganang sumiping sa kanilang sawa dahil wala na silang pagnanasa.

“Subalit hindi ito totoo, ang aking asawa ang taong minamahal ko kaya mas mainam na maghintay. “Marami ang nagulat at na-shock sa akin pero sa tingin ko ay ito ang pinakamagandang desisyon sa buhay ko, ako’y isang evangelist at naniniwala ako sa halaga nito.”

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …