Aries (April 18-May 13) Ikaw at ang iyong mga katrabaho ay nakatuon sa pagkamit ng tagumpay – at obligado kang tulungan sila sa pagtupad ng mga pangarap na ito.
Taurus (May 13-June 21) Mas madali mong mapanghahawakan ang iyong emotional connections ngayong araw – patungo sa tamang direksyon ang mga bagay.
Gemini (June 21-July 20) Isang tao ang magiging bossy ngayon, ngunit makakaya mo itong harapin – bagama’t medyo naiinis ka na rin ay mapipigilan mo pa rin ang iyong sarili.
Cancer (July 20-Aug. 10) Aabot sa sukdulan ang ilang mga bagay ngayong araw – na maaaring maging mabuti o hindi, ikonsidera ang lahat ng sirkumtansya.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Batid mo ang iyong karapatan, ngunit hindi ibig sabihin nito na makokombinse mo na ang lahat.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Maglaan nang sapat na panahon sa iyong kapareha – o gumawa ng bagay na seryoso sa iyong love life, kung wala kang kapareha ngayon
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Tingnan kung mapagsasama-sama mo ang mga tao o alaala sa paraang makabubuti sa iyo, huwag mangangambang sila’y patahimikin kung kinakailangan.
Scorpio (Nov. 23-29) Ngayon dapat tapusin ang mga dapat tapusin kaysa mangarap ng mga imposible, o piliting mabatid kung ano ang nangyari sa mundo.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Isang bagay ang maagang mangyayari ngayon na magpapabago sa iyong pag-iisip, posibleng magiging mas malalim.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Tingnan kung matutulungan ka ng iyong mga kaibigan o katrabaho sa pagbusisi mo sa lahat nang mahalagang mga detalye – matatapos mo ito sa maghapon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Mainam ang araw ngayon sa pagpapahinga, huwag magdadalawang-isip na tumigil sa pagtatrabaho kung sa iyong palagay ay sapat na ang iyong mga nagawa
Pisces (March 11-April 18) Mainam ang araw ngayon para sa pagrerekonsidera sa malalaking isyu sa iyong buhay.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Tingnan kung may isang taong maniniwala sa iyo, ngunit huwag naman siyang aabusuhin lalo na kung siya’y nag-iisa lamang na iyong kakampi.
ni Lady Dee