Wednesday , December 25 2024

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-16 Labas)

00 ngalan pag-ibig“Jas, delikadong maispatan tayo ng mga naghahanap sa atin.”

Papasok pa lang sa compound ng estas-yon ng bus sina Karlo at Jasmin ay muli na namang bumuhos ang ulan. Tambak ang mga pasahero roon. Desmayado ang marami. Nakapaskel kasi sa kahera ng tiket ang anunsiyo ng management ng kompanya ng bus na kanselado sa araw na iyon ang lahat ng biyahe.

Naglisaw-lisaw sa estasyon ng bus ang iba’t ibang klase ng tao. Kakilala at kalugar nina Karlo at Jasmin ang ilan. May mga taga-munisipyo at taga-kapitolyo. May mga pulis na nakatalaga roon para sa pangangalaga ng katahimikan at kaayusan. At nag-iikot din doon ang mga tauhan ni Jetro na mistulang mga asong K-9 na naghahanap sa magkatipan.

Hinatak ni Karlo sa kamay si Jasmin.

“Kalas tayo rito…”

Nagpalipas ng oras at ng sama ng panahon ang dalawa sa isang patakbuhing kapehan. Namalagi sila roon hanggang bandang alas-tres ng hapon. Tapos, lumipat sila sa isang karinderya, nagpatay-oras sa pagkakape-kape at pag-inom-inom ng softdrinks. Doon na rin sila kumain ng hapunan. Mag-aalas-otso ng gabi nang lisanin nila ang lugar. Nang mga sandaling iyon ay katindihan pa rin ng pananalasa ng bagyo.

“Bukas pa raw ang alis ng bagyo… Bukas pa siguro magbibiyahe ang mga bus,” banggit ni Karlo kay Jasmin.

“Sa’n tayo pwedeng magpalipas ng gabi, Karl?”

“Sa motel…”

“Motel?”

Naging komportable sina Karlo at Jasmin sa motel. Pati isipan at damdamin nila ay naging panatag. Nakapaligo sila roon. At higit na naging matamis ang pagsasanib ng kanilang mga katawan doon.

“I love you, Jas…”

“Love you too, Karl…”

Kinabukasan ng umaga ay maaliwalas na ang kalagayan ng panahon. Nakaalis na ang bagyo. Nagpakita na ang araw sa kalangitan. Normal na ang takbo ng buhay sa buong lalawigan. Ang mga tindahan at iba pang establisimyento na nagsara sa katindihan ng bagyo ay nagsipagbukas na. Dagsa na naman ang mga tao sa mga pampublikong lugar. Paroo’t parito sa kalye ang mga nagbibiyaheng traysike, dyip, bus at iba pang behikulo.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *