Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagpapayat dahil kay Taylor Swift

 

052015 Ronnie Brower Taylor Swift

DALAWANG taon na ang nakalipas, tumitimbang si Ronnie Brower ng 675 libra (306.8 kilo), at sinabihan siya ng kanyang doktor na kailangan magpapayat at magpababa ng kanyang timbang kundi mamamatay siya sa loob ng 10 taon.

Ngunit ngayon, salamat sa matinding pagtatrabaho, mas matinding mga workout, isang dedikadong guro, at inspirasyon mula kay Taylor Swift, bumaba ang timbang ni Brower sa 250 libra (113.4 kilo)!

Ang siste, nangako sa kanyan ang kaibigan at dating guro na si Joe Bufano na isasama sa concert ni Taylor Swift kung mapapababa niya ang kanyang bigat sa 400 libra (181.44 kilo).

Pinakinggan ni Brower ang mga awitin ni Swift habang nagpapababa ng kanyang timbang, at ngayon, bilang pagdiriwang ng pagkakamit ng kanyang goal weight, mapapanood niya nang live ang sikat na pop singer.

“Sinabi niya sa akin na noong mga panahong nais na niyang mag-give up… pinakikinggan niya ang musika ni Swift, at ang mga mensahe nito sa kanyang musika ang nagbigay sa kanya ng ligaya at kasiyahan. Binigyang-buhay muli siya,” ani Bufano sa panayam ng Daily Dot.

At ngayon nakamit ng kanyang kaibigan ang kanyang weight loss goal, may isa pang tungkulin si Bufano—ang makagawa ng paraan para makilala ni Brower si Swift mismo. Nag-post ang dating guro ng video para ipakita ang transpormasyon ng kanyang kaibi-gan sa saliw ng mga awitin ni Swift na nagbi-gay inspirasyon sa binata para tahakin ang lakbayin ng pagpapababa ng kanyang timbang.

Hiniling ni Bufano sa pop icon kung willing siyang makilala si Brower sa kanyang concert sa buwan ng Hunyo. Nagti-tweet na rin ang mga fans ni Swift ukol sa nais ni Brower at dito inilalagay din ang video ng binata gamit ang hashtag na #ronnieweightloss.

Marami ang umaasa na bukod sa tagumpay niyang mapababa ang kanyang timbang, makakamit din ni Brower na makaharap din niya nang personal ang kanyang iniido-long singer!

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …