KUNG nais mong makaakit ng love o mapanatili ang matatag na relasyon, maaaring makatulong ang Feng Shui. Ang layout, disenyo, dekorasyon at gayundin ang color scheme ng bedroom ay maaaring makaapekto sa inyong love life.
Narito ang ilang mga kulay, depende sa iyong sariling panlasa at layunin sa relasyon, na maaaring magamit sa bedroom.
*Greens – Kulay ng kalikasan at muling pagsigla, para sa perpektong pagpapahinga sa gabi. Ito ay kumakatawan din sa pag-asa at bagong mga bagay – mainam sa paghikayat ng true love. Kung ang iyong intensyon ay romansa, gayunpaman, dagdagan ito ng accent colors ng maroon o pula.
*Blue – Katulad ng green, ang blue ay simbolo ng katiwasayan, kaya naman mainam para sa pagtulog ang pagre-relax.
*Peach – Kung naghahanap ka ng love, mainam ang peach para sa bedroom, dahil ito ay umaakit ng social opportunities.
*Pink – Ito ay ikinokonsiderang isa sa best Feng Shui colors para sa bedroom. Ito ay kombinasyon ng romansa ng red, at metal element ng white. Ang pink ang kulay ng true love at matatag na romansa, at kadalasang inirerekomenda sa mga bagong kasal.
*Red – Bagama’t ang pagpipinta sa bedroom walls ng red ay magpapakilos nang husto sa chi at magdadagdag ng sobrang fire element sa lugar, ang red accents ay magpapadagdag ng pasyon. Ang red sheets o kumot ay inirerekomenda upang mapainit pa ang love life.
ni Lady Choi