MAGLALARO ang All-Star point guard Kyrie Irving kontra Atlanta Hawks sa Game 1 Eastern Conference Finals ng 2014-15 National Basketball Association (NBA) kaya magandang balita ito para sa mga fans ng Cleveland Cavaliers ‘’I’m going to go,’’ ani Irving.
Pinag-impake ng Cavalers ang Chicago Bulls, (4-2) sa Game 6 semifinals at nakatakda silang dumayo bukas sa Atlanta para harapin ang Eastern Conference top seed.
Problemado si irving sa kanyang sore right foot simula sa Game 2 opening round laban sa Boston Celtics at sa huling laro nila kontra Bulls ay naupo ito sa kaagahan ng second quarter at pinanood na lang niya ang panalo ng kanyang koponan.
‘’Just being able to actually feel both my feet underneath me, especially when I’m shooting, it feels amazing,’’ sabi ni Irving na nalimitahan sa 12 minutes na paglalaro sa Game 6. ‘’I don’t want to be on the sideline at all, especially preparing for a big stage like this.’’
Sinabayan ni Irving si basketball superstar leBron james sa ensayo, hindi naman siya sumubok mag dunks pero may mga layups attempt at itinatalon ang kanyang kanan na hita.
‘’He feels better,’’ patungkol ni four-time NBA MVP James kay Irving. ‘’Obviously the days have helped him. You know, we really don’t know until we get out there on Wednesday. The good thing is he’s positive, he’s feeling better, and that’s positive for our team.’’
Pumabor kay Irving ang halos isang linggong pahinga kaya naman maging ang kanilang coach na si David Blatt ay nasiyahan sa naging resulta ng pagpapagaling nito.
‘’Look, today is Monday,’’ wika ni Blatt. ‘’I told you a few days ago that I expect he’ll play. It’s just good to see that he’s making some progress. He’s not there 100 percent yet, but he’s making progress and that’s a very good sign. I’m hopeful.’’
Samantala, mag-uumpisa ngayong araw ang Game 1 Finals ng Western Conference sa pagitan ng Golden State Warriors at Houston Rockets.
(ARABELA PRINCESS DAWA)