IPINAKIKILALA si Merlin. Maaaring hindi siya wizard, ngunit siya ay nagpa-purr nang higit na malakas kaysa ibang pusa.
Ang 13-anyos na pusa, nasagip noong siya ay kuting pa lamang, ay tumanggap ng Guinness World Record for the loudest cat purr.
Ang kanyang purr, na nagtala ng 100 decibels sa iPhone app, ay sinertipikahan sa record na 67.8 decibels para sa Guinness record.
Ang dating record ay 67.68 decibels at naitala noong 2011, ayon sa organisasyon.
Hindi gaanong pinahalagahan ng kanyang amo na si Tracy Westwood ang pag-purr ni Merlin hanggang sa nabatid niya ang tungkol sa dating record holder.
Ito ang kanyang New Year’s resolution ngayong taon kung maaaring masira ni Merlin ang nasabing record.
Ipinagmamalaki ni Westwood ang kanyang pusa, ngunit nagdudulot din ito ng kunsumisyon. “If he’s cleaning [himself] he gets louder and sometimes if the telephone rings I do get people asking me what’s that noise in the background,” pahayag niya sa Guinness. “I tell them it’s the cat but I don’t know if they believe me.”
(THE HUFFINGTON POST)