BATAY sa pag-aaral ng siyensiya, ang mga isda ay puro cold-blooded—ngunit sa pagkakadiskubre ng isdang Opah, napag-alaman na ito ay warm-blooded tulad ng mga tao at iba pang mga mammal.
Sa pagkakadiksubre nito, maitatala nga-yon ng mga siyentista na ang isdang halos ka-sing laki ng isang kotse ay kauna-unahang warm-blooded fish sa mundo.
“Ang karamihan ng isda ay exotherms, na ang kahulugan ay kailangan nila ng init mula sa kanilang kapaligiran para mabuhay,” punto ni Nicholas Wegner, study leader at biologist sa Southwest Fisheries Science Center ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) Fisheries sa La Jolla, California,
Bilang isang endotherm, ang Opah o Lampris guttatus ay pinapanatili ang temperature ng kanilang katawan sa pamamagitan ng init sa labas o paligid ng nilalanguyan, kahit uma-bot pa ng 1,300 talampakan (396 metro) ang lalim ng sinisisid nila.
Kilala rin sa pangkaraniwang tawag na moonfish, may maliliit na palikpik na kulay pula at higanteng katawan na hugis bilog na umaabot sa anim na talampakan (1.8 metro) ang haba. Ang mga palikpik nito ang nagbibi-gay ng init sa katawan ng pambihirang isda, bukod sa init mula sa tubig na nasikatan ng sikat ng araw.
“Lumilitaw na nagpo-produce ng init sa katawan ang Opah mula sa enerhiyang nalilikha sa pagkilos ng palikpik nito habang lumalangoy,” ani Wegner.
Unang nagsuspetsa ang mga researcher na may kakaiba sa Opah matapos suriin ang isang sample ng gill tissue ng isda. Ayon sa bagong pag-aaral, ang mga daluyan ng dugo sa tissue na nagdadala ng malamig na oxyge-nated blood mula sa hasang patungo sa katawan ay nakaugnay sa mga daluyang nagdadala naman ng warm, deoxygenated blood mula sa katawan patungo sa hasang.
Kinalap ni Tracy Cabrera