NATUTUWA ang tserman ng PBA board of governors na si Patrick “Pato” Gregorio sa magandang pagtanggap ng mga tagahanga ng liga sa mga imports na Asyano na naglalaro ngayon sa Governors’ Cup.
Sa panayam ng programang Aksyon Sports sa Radyo Singko 92.3 News FM noong Linggo, nakipag-usap siya sa ilang mga Hapones na ehekutibo noong isang araw tungkol sa paglalaro sa liga ng kanilang kababayang si Seiya Ando na Asyanong import ng Meralco.
“The Japanese executives whom I met were asking me on when is the next game of Ando because they plan to watch,” wika ni Gregorio. “This only shows that a lot of people are interested in the Asian imports because this is our way of opening the PBA to other Asian markets.”
Sa mga koponang may Asyanong import, tanging ang Globalport ang naging benepisyo dahil nangunguna ang Batang Pier na may tatlong sunod na panalo sa tulong ng taga-Palestine na import na si Omar Krayyem.
(James Ty III)