MAY NAGBABADYANG BAGYO SA RELASYON NILA NG ASAWANG SI PETE
“Kasal na kami ni Pete…” aniyang tila may bara ang lalamunan.
“Kapirasong papel lang ‘yun… Ang gusto kong malaman, e kung mahal mo pa ako,” ang biglaang singit ng dati niyang BF.
Hindi nakasagot si Jolina. Ikinatulala niya ang pagkalito ng isipan.
Nag-delete siya ng mga tawag at mensahe ni Aljohn sa in-box ng cellphone. Pero ang hindi niya mabura-bura sa imahinas-yon ay ang mga alaala. Namamalagi sa kanyang isipan kahit sa gabi ng pagtulog. Ma-ging sa sandali man ng kanilang mga pagniniig ni Pete.
“Oh, Aljohn!” ang isinisigaw ng kanyang isipan at damdamin.
Sa tingin ni Jolina, buong-buo ang paniniwala ni Pete na anak niya si Alyssa. Kitang-kita niya ang iniuukol nitong pagmamahal sa naging bunga noon ng kapusukan nila ni Aljohn.
Sa umaga, bago umalis ng bahay ay kinakarga at isinasayaw-sayaw muna ang sanggol pang si Alyssa. Pag-uwi sa gabi, ganoon uli. At sa hatinggabi, ipinagtitim-pla ng gatas ang kanyang anak, pinapalitan ng diaper at ipinaghehele-hele sa pagtulog.
Tinulungan niya si Pete sa pag-iimpake ng ilang personal na gamit at damit nang gabing iyon. Palipad daw sa Bohol kinabukasan upang makipagkita sa may-ari ng lumang barko na ipinagbibili bilang scrap. Kung saka-sakali, kapag nagkasundo sa presyo ay babayaran umano roon ng cash ang buong halaga niyon. Pero kinakaila-ngan daw na manatili nang ilang araw sa Bohol ang mister niya para sa superbisyon ng ‘pagkatay’ sa barko.
“Mami-miss ko kayo ni Baby…” sabi sa kanya ni Pete.
“Mami-miss ka rin namin ng baby natin,” aniyang nanghalik sa pisngi nito.
Niyakap at masuyo siyang hinagkan ni Pete sa mga labi.
“Love you…” bulong nito sa kanya.
“Love you, too,” ganting-sabi niya.
(Itutuloy)
ni Rey Atalia