HUMINGI ng paumanhin ang isang paring Romano Katoliko matapos mahatulan ng limang taon pagkabilanggo dahil sa pagpapatakbo ng distribution ring ng methamphetamine sa Hartford, California.
Binansagan si Fr. Kevin Wallin bilang Monsignor Meth dahil sa pagiging pasimuno sa pagbebenta ng droga sa kanyang parokya.
“Hindi ko itinanggi ang aking kasala-nan mula nang ako ay naaresto,” pahayag ng 63-anyos pari, na nagpasalamat sa nangyari dahil ito umano ang nag-alis sa kanya sa kalagayan ng pagkakasala.
Ayon sa prosekusyon, nakatatanggap si Wallin ng droga mula sa kanyang mail na pinadadala ng mga California supplier, na kanya namang ipinapadalang supply sa New York bilang distributor.
Bumili din siya ng adult video at sex toy shop na pinagalanang Land of Oz & Dorothy’s Place, para sa money laudering ng kinikita niya mula sa drug ring.
Si U.S. District Judge Alfred V. Covello ang nagbigay ng hatol kay Wallin.
“Para sa iyo, sir, ito’y malungkot na araw,” pagbasa ni Covello sa desisyon ng korte.
Gayon pa man, sinabihan din ng huwes si Wallin na ang mga liham ng pagsuporta sa pari ay tunay na lumabis sa “alin mang bagay na kanyang nasaksihan” bilang opisyal ng korte.
Ayon sa public defender ni Wallin na si Kelly Barrett, ginawa ng kanyang kli-yente ang lahat ng paraan para makatulong sa kanyang kapwa habang napabayaan na ang kanyang sarili.
Kinalap ni Tracy Cabrera