Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Zombie sa dream

051415 Zombie

00 PanaginipGud day sa iyo Sir,

Nagdrim po aq bout sa mga building, ganyan, tas ay naglalakad ako sa drim q, then ay may mga zombie dw aq nakita, medyo magulo din drim q po kase, pls pak nterpret, wait ko po ito, tnks a lot sir, dnt post my cp #.. im Meldzs

To Meldzs,

Kapag nakakita ng mga malalaking buildings sa panginip, ito ay posibleng nagre-represent ng iyong sarili at katawan. Segun kung gaano kataas ng gusali o building, ito’y nagpapakita ng pagtaas ng iyong level ng pang-unawa o understanding, awareness o success. Sakali namang ikaw ay nasa mababang lugar ng building, posible namang may kaugnayan ang ganitong panaginip sa mas primal attitudes and/or sexuality.

Kung ikaw ay naglalakad naman nang maayos sa iyong panaginip, ito ay nagsasaad na ikaw ay mabagal na naglalakbay sa buhay subalit steady naman ang pagsulong tungo sa iyong mithiin o mga pangarap. Ito rin ay nagpapakita na ikaw ay sumusulong sa iyong buhay sa pamamaraang naroon ang iyong kompiyansa, subalit dapat ding maging mapagmatyag at ikonsidera ang iyong landas na tinatahak at patutunguhan. Kung nahihirapan ka naman sa paglalakad, nagpapahayag ito ng pag-aalinlangan sa pag-usad hinggil sa ilang sitwasyon bunsod ng mga balakid at sagwil na kakaharapin o kasalukuyang hinaharap na sa iyong buhay.

Ang panaginip ukol sa zombie ay nagpapakita ng kawalan o kakulangan mo ng pakikipag-ugnayan sa mga kaganapan at mga taong malapit o nakapaligid sa iyo. Maaari rin na ito’y nangangahulugan din ng kawalan ng emosyon sa pang-araw-araw na buhay mo, na ginagawa mo lang ang mga bagay-bagay dahil kailangan ito ng routine ng iyong buhay. Makabubuting alisin ang mga negatibong elemento sa iyong paligid at ibaling sa mga magagandang bagay ang iyong isipan, lalo na kapag malapit ka nang matulog. Ito ay maaaring nagsasaad din ng ukol sa pag-iwas mo sa mga bagay na hindi ka tiyak kung ano ang magiging kasagutan o kaya naman, kung ano ang magiging kahihinatnan, kaya ganito ang naging tema ng iyong bungang-tulog. Subalit dapat harapin ang mga bagay na ito upang magkaroon na ng closure.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …