Wednesday , May 14 2025

Malakas ang kompetisyon sa SEA Games — Gorayeb

030615 roger gorayeb

PAGKATAPOS ng kampanya ng Pilipinas sa katatapos na Asian U23 women’s volleyball, isa na namang malaking hamon ang naghihintay sa head coach ng ating bansa na si Roger Gorayeb.

Sa panayam ng programang Aksyon Sports sa Radyo Singko 92.3 News FM kahapon, sinabi ni Gorayeb na siya rin ang hahawak sa pambansang koponan na ipadadala ng Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo.

Ka-braket ng mga Pinay sa SEA Games ang Vietnam, Malaysia at Indonesia samantalang ang Thailand na tumapos bilang runner-up sa Asian U23 ay nasa kabilang grupo.

Ayon pa kay Gorayeb, mas mahirap ang kompetisyon sa SEA Games dahil walang age limit ang mga manlalarong kasali.

“Vietnam, Indonesia, Thailand, sila ang mahigpit naming makakalaban. Actually, yung grupo namin, mas mahirap,” wika ni Gorayeb. “Yung Thailand, Team B ang ipinadala dito sa Asian U23 at talagang naghahanda sila for 2020. Marami silang pondo para sa national team nila.”

Idinagdag ni Gorayeb na magdadagdag siya ng mga mas beteranong manlalaro para sa SEA Games para makasama sina Alyssa Valdez, Jaja Santiago at Myla Pablo na sumali sa Asian U23.

Ilan sa mga pangalang kinukunsidera ni Gorayeb ay sina Dindin Santiago-Manabat, Aby Marano, Rhea Dimaculangan at Maika Ortiz.

Tumapos sa ika-pitong puwesto ang tropa ni Gorayeb sa Asian U23.

“They represented the country with honor and pride. Talagang nakapokus sila,” ani Gorayeb. “Excited lahat kami to represent the country in an international competition. Matagal na kasi hindi kami sumasali sa ganitong klaseng kompetisyon. Mga malalakas na teams ang kalaban namin at mga players ko, dating napapanood ang mga players na kalaban namin sa TV.

“Pinagdarasal namin na mapunta kami sa grouping na medyo mahina para makapasok kami sa top 8 pero kasama namin ang Kazakhstan at Iran kaya para sa amin, makalaro lang kami nang mahusay, okey lang sa amin at maka-inspire ang mga players ko. Sana yung enthusiasm nila sa U23, dadalhin din namin sa SEA Games.” (James Ty III)

 

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *