Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asian import kinukonsidera ng SMB

122814 Leo Austria

BUKAS si San Miguel Beer head coach Leo Austria sa pagkuha ng Beermen ng import na Asyano para sa PBA Governors’ Cup.

Inamin ni Austria na ito ang huling opsyon ng Beermen na nangangapa sa team standings ng torneo kahit nakuha nila ang unang panalo kontra Rain or Shine, 104-91, noong Martes ng gabi.

“We’re talking about getting an Asian import dahil nga sa daming mga injuries sa team. It’s inevitable kasi kailangan namin. We need a player who is very talented like the other Asian imports of other teams. Lumalalim ang bench nila at iyan ang kailangan para makapasok sa playoffs,” wika ni Austria. “I already asked permission from management and they’re open to it. But I want to give exposure to my local players kasi yung mga Asian imports, yung ginagawa nila, kaya ring gawin ng mga locals. It’s a matter of mindset but it’s an option and I’m considering that.”

Nakuha ng SMB ang panalo dahil sa 36 puntos ni AZ Reid at 22 puntos naman mula kay June Mar Fajardo.

Inamin din ni Austria na malaking problema para sa Beermen ang kalusugan ng ilan nilang mga manlalaro.

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …