Nnaginip po ako ng isang taong kulubot n mukha tapos may sinabi po sa kin n kapag araw araw ko daw syang pinapanaginip may mangyayari po daw sa akin,natatakot po aku ano po bang ibig sabihin nun? Pakibasa n lng po natatakot po kc ako, just call me JM Reyes, Salamat po!!! (09269477939)
To JM,
Kung ang sinasabi mong taong kulubot ang mukha ay nagre-represent sa taong matanda na, ito ay maaaring isang taong nagre-represent ng wisdom o forgiveness. Maaari rin namang ito ay isang paraan upang magbigay ng patnubay sa ilang pang-araw-araw na suliranin na kinakaharap mo. Dahil ang makakita ng matanda sa bungang-tulog ay nagsasaad na maaaring ito ay archetype figure na nag-aalay ng patunubay sa pang-araw-araw na suliranin.
Kapag sa iyong panaginip ay natakot ka, nagsasaad ito ng panandaliang alalahanin o pangamba sa panig mo. Maaaring may mga bumabagabag sa iyong damdamin at isipan at nakakaramdam ka ng agam-agam na mas nangingibabaw sa iyo sa estadong ikaw ay gising. Posible rin naman na ito ay takot sa trabaho, pag-aaral, estado sa buhay, sa love, at iba pa. Isipin ang posibleng dahilan kung kaya naging ganyan ang tema ng panaginip mo at harapin ito para matuldukan na at maka-move-on ka na.
Señor H.