Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hey, Jolly Girl (Part 8)

00 jollyUNTI-UNTING ISINASAGAWA NI JOLINA NA BITAGIN ANG ‘BOSS’ NA SI PETE

“Kelan ka pupunta sa office ko?” ang mabilis na reply nito.

“Bukas ng umaga, Pete…”

“Sige, wait kita, Jo…”

Buo na ang desisyon ni Jolina. Plano niyang bitagin si Pete. Kapag nasilo niya ito, hindi magiging illegitimate ang sanggol na isisilang niya. Maisasalba nito ang kahihiyan niya. At solb na ang kanyang problema.

Lunes nang magsimula siyang magtrabaho sa opisina ni Pete. Bale sekretarya ang papel niya. At ito lang ang boss niya roon. Ang mga ka-partner sa hanapbuhay ay bihirang mag-opisina. Patawag-tawag lang doon. Kadalasan, sa labas ang pakiki-pagtransaksiyon ng binata sa iba’t ibang kliyente. Ang runner-janitor na si Mang Dado ang malimit lang niyang makasama araw-araw sa kompanyang iyon.

Naging maingat si Jolina sa pakikitungo kay Pete. Para hindi mahalata ang motibo, inunti-unti lang niya ang pag-amo sa binata. Inunti-unti rin niya itong pinagpakitaan ng kabaitan paglapit ng kalooban.

Higit siyang nagpaseksi sa ayos at mga kasuotan. Lagi pang humahalimuyak sa kabanguhan.

“Kape, Boss?” ngiti niya sa pag-aalok kay Pete.

Tinanguan siya nito.

“Pero ‘wag mo na akong tawaging boss…” sabi sa kanya ng binata.

“Kung ‘yan ang gusto n’yo, okey…” ngiti niya sa pagpapa-cute.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …