Wednesday , November 20 2024

Feng Shui: Healthy sleep ni baby sa nursery tiyakin

00 fengshui

MALAKING bahagi ng isang araw ang kinukunsumo ng sanggol sa kanyang pagtulog, at ang good quality sleep ay mahalaga sa malusog niyang paglaki. Samakatwid, ang pangunahing function ng nursery ay makapaglaan ng ideal environment para sa mahimbing na pagtulog.

Ang lokasyon ng kama ng sanggol sa loob ng kwarto ay makaaapekto sa kanyang sleeping patterns, partikular sa direksyon na kung saan nakaturo ang kanyang ulo, dahil ito ang magdedetermina kung anong chi ang nasasagap nang higit ng sanggol sa buong magdamag. Nakaiimpluwensya rin ito sa kanyang pagtulog sa araw.

Tingnan ang mga direksyon at pumili ng isa na sa iyong palagay ay makatutulong nang husto sa iyong sanggol.

East – ideyal para sa paglaki, makatutulong ang direksyong ito sa bata sa pagsisimula ng kanyang buhay. Dahil ang energy ng east ang pinaka-aktibo sa pagsisimula ng araw, makatutulong din ito sa punto nang paggising nang masigla sa umaga.

South-east –Makatutulong sa pagtulog, kasama ng harmonious growth and development, ang direksyong ito ang pupukaw sa imahinasyon at pagiging malikhain ng sanggol.

South – Posibleng humantong sa masamang pagtulog; ang bentahe naman ay makatutulong sa pag-develop ng quick thinking at spontaneous spirit.

South-west – Ito ay settled position, para sa mahimbing na pagtulog, ang chi na ito ay nagsusulong nang maingat, praktikal at natural na pag-aaruga.

West – Kombinasyon ng mahimbing na pagtulog at playful, joyful, at kuntentong kapaligiran.

North-west – Mas seryoso ang uri ng chi at maaaring masyadong mature para sa sanggol, gayunman makatutulong sa punto ng pagtulog at pagiging matalino.

North – Tahimik na direksyon, makatutulong sa sanggol na nahihirapang makatulog, mas maiging gamitin ang direksyon ito nang pansamantala, dahil ang chi na ito ay too still para sa lumalaking paslit.

North-East – Mahihirapang makatulog sa direksyong ito, mas magiging makulit at sumpungin ang sanggol; ang enerhiyang ito ay maaaring makatulong kung sa iyong palagay, ang sanggol ay dapat maging more motivated and competitive.

 

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *