Aries (April 18-May 13) Tingnan kung may mapupuntahan kang mag-eenjoy ka ngayon, hindi ito magiging mahirap para sa iyo.
Taurus (May 13-June 21) Hindi ka sigurado sa mga taong bago pa lamang kakilala, ngunit hindi mo masasabi nang diretsahan sa kanila na hindi sila kanais-nais.
Gemini (June 21-July 20) Kailangan mong makipag-bonding sa taong pinagkakatiwalaan mo ngayon, kung magtutulungan, agad n’yong matatapos ang mga sinimulan.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kung pakiramdam mo, nagiging makasarili ka na, tama lamang ang iyong ginagawa.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring mahirapan kang konsentihin ang isang tao sa bahay o sa trabaho ngayon, lalo na kung hindi naman importante ang kanilang iginigiit.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang paminsan-minsang pagsusugal ay hindi naman gaanong masama ngayon, hangga’t nakakaya mong panghawakan ang iyong pagkatalo.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mag-tsek ng hinggil sa mga tao, lugar o bagay ngayon, ang iyong pagnanais na mag-explore ay lalong lumakas.
Scorpio (Nov. 23-29) Huwag masyadong mag-iisip ngayon, manalig sa iyong swerte at tingnan kung mangyayari ang mga bagay ayon sa iyong ninanais.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Makatutulong ang iyong grabeng enerhiya sa paghahatid ng saya saan ka man magtungo, maaari kang maging ahente ni Santa Claus.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Tingnan ang pabuyang posibleng matanggap ngayon, kailangan mong ituon ang pansin sa bagay na mahalagang matapos ngayon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Hindi naman ganoon karami ang iyong mga koneksyon, ngunit sila ay iyong maaasahan.
Pisces (March 11-April 18) Isantabi muna ang iyong mga plano, maaari itong makasabagal sa pagtutuon ng pansin sa iyong trabaho.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring makatisod ka ng maganda at bagong mga oportunidad nang hindi sinasadya, hangga’t kaya mo, sunggaban mo.
ni Lady Dee