Monday , January 6 2025

PH VI hinangaan sa Asian Volleyball U-23

 

051215 U23 asian volleyball

Pinahanga ng Philippine Women’s Team ang mga Pinoy fans matapos nilang bawian ang Iran sa last day ng 2015 Asian Under-23 Women’s Volleyball Championship kahapon sa Philsports Arena, Pasig City.

Pinayuko ng Phl VI ang Iranians sa tatlong sets, 25-15, 25-21, 26-24 upang tapusin ang kanilang kampanya sa pang-pitong puwesto.

Maganda ang naging panalo ng Pilipinas dahil sa Iran sila natalo sa opening day na nagsimula noong Mayo 1.

Kinabahan ng bahagya ang mga Pinay Spikers sa third set dahil umungos ang Iran, 22-24.

Pero naitabla ito ng Pilipinas matapos ang service error ng Iran at isang blangka ni skipper Alyssa Valdez sa atake ng kalaban.

“We had enough rest yesterday so we are a bit stronger today,” anang national coach Roger Gorayeb.

Si 6-foot-6 Jaja Santiago ang tumapos ng laro sa set 3 matapos kumunekta ng dalawang sunod na puntos.

“We’re really happy that we won the game,” sabi ni Valdez. “We should focus and enjoy the game and it’s a great day for volleyball in the Philippines.”

Mula sa 14-19 pagkakabaon ng Iran sa third set ay umariba ang mga ito ng 10-3 run para makuha ang abante 24-22.

“They also want to win, they want to get one set,” patungkol ni Gorayeb sa Iran. “But the girls are really pumped up today and we really want to win this game.”

Ang pumasok sa top 8 ay mission accomplished na and winning 7th is a bonus for us,” dagdag ni Gorayeb.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *