May asawa po ako at magto 2years na po kame nagsasama, may UTI po ako at may nana na pero nagamot ko naman na. gusto n po namin magkaanak pero hndi pa po kame nagkakaanak. Kadalasan po nananaginip po ako tungkol sa baby may anak na daw ako tapos minsan may hawak hawak akong baby sinabe ko magkakaroon dn kme nyan.minsan po ang asawa qoh naman, napaginipan na buntis na dw ako nsa ospital daw kme at tuwang tuwa daw sya. anu po b ang ibig sabihn nun ? Nym qo po Marissa 17 y.o. aasahan ko po ang sagot nyo. Salamat po. God bless you. (09467468189)
To Marissa,
Kapag nanaginip ng hinggil sa baby, ito ay nagsasaad ng innocence, warmth at new beginnings. Ang baby ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na maituturing na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Ito ay maaari ring may kinalaman sa pagkilala sa iyong hidden potential. Posible rin na ang iyong bungang tulog ay nagpapa-alala na dapat mong pangalagaan ang child within yourself. Maaari rin namang may nabasa o napanood sa TV o pelikula o narinig sa kuwentuhan ng ukol sa mga baby o pagiging ina, kaya naging ganito ang tema ng iyong panaginip. Sa kabilang banda, maaaring ito ay isang fantasy o paglalaro ng iyong kaisipan at imahinasyon sa magiging scenario sa hinaharap o sa paghahanda mo sa bagay o panahon na paparating, tulad nga ng pagkakarooon na sarili mong baby.
Ang iyong bungang-tulog na nagka-anak ka na ay may kaugnayan sa labis na paghahangad na magkaroon na ng anak. Lagi mo itong iniisip at labis na inaasam, kaya ito ay naka-ukit na sa iyong subconscious at natural lang na lumabas talaga ito sa iyong panaginip. Goodluck sa inyo ng mister mo and God bless.
Señor H.