Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hey, Jolly Girl (Part 7)

00 jollyINIWAN SI JOLINA NI ALJOHN HABANG TILA ANGHEL SI PETE SA PAGSAGIP

Kutob niya, drama lang iyon ni Big Jay upang mabigyan ng resonableng alibi si Aljohn.

Pag-uwi ng bahay, nagkulong si Jolina sa loob ng kanyang silid. Doon niya iniluha ang matinding sama ng loob sa boyfriend.

Dinalaw siya ni Pete kinagabihan.

“May sasabihin lang daw siya sa ‘yo,” pangangatok sa silid niya ni Mommy Vivian. “Labas ka muna d’yan, anak…”

Inayos niya ang sarili. Pinagbigyan niya ang pakiusap ng ina.

“Ano’ng sadya mo, Pete?”

“Naka-graduate ka na, Jolina…Gusto mo bang mag-work na?”

“Gusto ko… Pero wala pa akong experience…”

“Okey lang, Jo…”

“Anong trabaho, at anong kompanya ‘yan, Pete?”

“Nangangailangan ako ng sekretarya sa maliit kong office, Jo… Baka ‘kako patulan mo?”

Hindi agad nagpasiya si Jolina.

“Pwede bang pag-isipan ko muna?” aniya.

“Sige…” tango ng binata.

Pagkaalis ni Pete, balik ulit si Jolina sa kanyang silid-tulugan. Muli niyang binalikan ang sinasariling suliranin. Kapag lumobo na ang tiyan sa pagbubuntis, mala-king kahihiyan iyon sa kanilang pamilya. At baka itakwil tuloy siya ng mga magulang, lalo na ng kanyang Mommy Vivian na may pagka-moralista.

“Oo nga… Pwede!” bulalas ni Jolina sa pagpasok sa utak ng isang ideya.

Siya mismo ang nag-text kay Pete.

“Okey ako sa napag-usapan natin, Pete,” ang ipinadala niyang mensahe sa manliligaw.

(Itutuloy)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …