BUKOD sa pagkain ng diet na kompleto at balanse sa punto ng mga sustansya, mayroon ding pakinabang ang pag-iisip sa punto ng chi na taglay ng iyong pagkain.
Bawat pagkaing iyong kakainin ay mayroong sariling chi field energy, at kapag ang mga ito’y nasa loob na ng iyong katawan, nagkakaroon ito nang banayad na impluwensya sa iyong sariling chi.
Kapag nagpatuloy ka sa pagkain ng pareho-parehong mga pagkain sa loob ng mahabang panahon, magsisimula na itong magkaroon ng pronounced effect sa iyo.
Bilang general rule, makatutulong kung kakainin ang mga pagkaing “buhay” pa hanggang sa oras na ito’y iyo nang lulutuin. Kabilang dito ang wholegrains, dried beans, vegetables, fruits, nuts and seeds.
Vegetable and fruits
Upang maunawaan ang chi ng pagkain, simulan ito sa kung paano sila tumubo. Halimbawa, ang root vegetables (katulad ng carrots) ay nabubuo sa ilalim ng lupa, habang ang mga gulay naman na nabubuo sa ibabaw ng lupa (katulad ng pumpkin) ay may higit na relaxed energy. Kung susundin mo ang “line of thinking” na ito at nais mong kumain ng carrots dahil sa kanilang tibay at kakayahang tumubo sa kabila ng mga sabagal, pinili mo ang carrots dahil ito ay lumiliko sa paligid ng mga bato, at hindi dumidiretso, maging ang carrots na tumubo sa malambot na lupa.
ni Lady Choi