NAPAULAT na pinutakte ang all-female lifeguard team sa Tsina ng mga lalaking nagkukunwaring nalulunod para sila’y ma-rescue ng mga naggagandahang dilag.
Nangangahulugang ang mga lifeguard sa White Swan Women’s Rafting Rescue Team, na nagsisipagtrabaho sa rapids ng Sanmen-xia canyon sa Henan province sa central China nga-yon ay armado ng mga hidden camera para mabig-yang proteksyon sila.
Matapos ang mga reklamo mula sa ilang babaeng lifeguard ukol sa mga lala-king sadyang nagpapahulog sa tubig para hipuan ang mga rescuer habang sinasagip sila, binigyan ang all-female team ng mga camera para makunan ang bawat rescue na ginagawa nila.
Ang nasabing mga came-ra ay naka-disguised na parang mga damo lang at naka-pin sa suot ng mga lifeguard, para ma-record nito ang ano mang hindi kanais-nais na kilos ng sinasabing ‘nalulunod’ na lalaki.
Ayon sa tagapagsalita ng local tourism board, ang recordings ng mga video ca-mera ay magagamit bilang ebidensiya kung magkaroon ng paglilitis.
“Ang mga camera ay bilang proteksyon sa kaligtasan at dignidad ng ating mga female lifeguard,” aniya.
“Nais naming i-discou-rage ang mga tao na ilagay ang kanilang buhay sa pa-nganib at gayon din ang aming mga lifeguard,” dagdag pa niya.
Kinalap ni Tracy Cabrera