Wednesday , November 20 2024

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-7 Labas)

00 ngalan pag-ibig“Teka, Karl… Sa’n tayo maninirahan ‘pag mag-asawa na tayo?”

“Dito sa bayan natin, Jas…”

“Ay! Bakit ‘di sa Maynila?”

“Mahirap ang buhay do’n… Dito, masipag ka lang, e wala kang gutom.”

“Sige,” pagpayag ni Jasmin. “Kung saan mo gusto, okey lang sa ‘kin.”

Ang totoo niyon, mas ibig ni Karlo na manirahan sa Maynila dahil kabisado na niya ang takbo ng buhay roon. Marami si-yang alam na diskarte sa Maynila para kumita. Pero ikinababahala niyang madakma roon ng mga awtoridad.

Dinagsa ng mga magkakabarangay ang ginaganap na singing contest noong gabi mismo ng kapistahan. Naghihiyawan at nagpapalakpakan ang mga manonood. May mga tumitili pa nga sa pagkanta ng paboritong kalahok. Isa si Jasmin sa mga sumali sa paligsahan.

Naroroon si Karlo sa harap ng entablado. ‘Di kalayuan sa kanya sina Mang Kanor at Aling Azon upang magbigay ng suportang-moral sa anak na dalaga. At sa di-ka-layuan, naroroon din si Andy at ang mga katropa na pawang lango na sa alak.

Isang popular na awitin ang binirit ni Jasmin. Bigay-todo sa pagkanta sa ibabaw ng entablado. Sinabayan iyon ng pagsayaw-sayaw. Kumembot-kembot ang malalambot na balakang nito at uminda-indayog ang malulusog na dibdib.

Sabog ang malalakas na palakpakan at hiyawan sa mga manonood, lalo na sa mga kalalakihan.

Natapos ang paligsahan sa pagkanta. Karakang inanunsiyo ng emcee ang mga nagsipanalo sa ikatlo at ikalawang pwesto. Medyo ibinitin nito ang pangalan ng nagkamit ng unang gantimpala.

“Ang tatanggap ng unang gantimpala at tatanghalin na kampeon sa ating barangay sa gabing ito ay walang iba kundi si… si Jasmin Manlangit!”

Nilapitan ni Andy ang isa sa mga kagawad ng barangay na kabilang sa may pakulo ng paligsahan sa pagkanta.

“‘Ala bang paputok o kwitis man lang?” pag-uusisa ng lasing na bata-bata ng gobernador.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

 

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *