NABUNTIS SI JOLINA PERO MUKHANG WALANG BALAK PANAGUTAN NI ALJOHN
“Pero, Bes… mukha ‘atang tumataba ka, a,” sabi pa ng kaibigan niya.
“May nag-aalaga, e… “ aniya sa pamamaywang.
Ang totoo, pansin din ni Jolina ang pagbigat ng kanyang timbang. Maaari kasing nagbubuntis na siya. Tatlong linggo na kasing nade-delay ang kanyang mens. At ipinagtapat niya iyon kay Aljohn. Pero hindi agad ito nakahuma at tila bigla pang namutla.
“Hindi ka pala nagpi-pills?” anito sa mataas na boses.
Umiling siya, mangiyak-ngiyak na.
“Ano’ng gagawin natin?” pagsangguni niya sa boyfriend.
“Madali pa ‘yang ipalaglag…” ang naisagot nito sa pagkabugnot.
Hindi gayon ang inaasahan niyang magiging reaksiyon ni Aljohn. Umasa kasi siya na mang-aalo at bibigyang-kapanatagan nito ang kalooban niya. Nawalan siya ng kibo sa pagtindi ng pagdaramdam sa nob-yo.
“Punta ka sa Quiapo… Hanap ka ro’n ng gamot na pampalaglag,” payo sa kanya ni Aljohn.
Naghiwalay sila ni Aljohn sa tea house nang araw na iyon. Tuluyan na siyang napaiyak sa pagkahabag sa sarili. Pakiwari niya’y solo niyang dinadala ang problema. At kahit malamig doon ay pinawisan din ang kanyang noo. Malaking problema kasi kung paano resolbahin ang buhay na nasa sinapupunan niya.
Nagbakasyon ang eskwela. Nalaman na lang ni Jolina kay Big Jay na umuwi ng pro-binsiya si Aljohn.
“Biglaan ang lakad ng kanyang pamil-ya, e. Sabi ‘y magbabakasyon lang daw siya…” ani Tabachoy.
Hindi man lang nagpaalam kay Jolina si Aljohn. Ni text o tawag sa cellphone ay ipinagkait nito sa kanya.
“Ay, wala siyang cellphone ngayon… Nadukutan daw siya, e,” agad idinugtong ng kaibigan ni Aljohn. (Itutuloy)
ni Rey Atalia