ANG mga décor at design ng inyong living room ang nagbibigay-kahulugan sa overall chi ng kwarto at maaari kang makabuo ng maraming yin o yang sa pamamagitan ng mga kulay, patterns, materials at bilang ng mga furniture na ilalagay mo rito.
Sa pag-aayos ng mga upuan sa inyong living room, magkakaroon ka ng oportunidad na ilagay ang iyong sarili at iyong pamilya sa posisyong inyong ninanais.
Ang isa sa pinakamalakas na impluwensya ay ang direksyong kung saan ka nakaharap, ngunit hindi lamang ito ang dapat ikonsidera.
Maigi ring ipraktis na maupo na ang iyong likod ay protektado ng dingding, screen o malaking halaman, at kung maaari, ang malaking bahagi ng kwarto ay nakaharap sa iyo. Kung maraming tao ang gumagamit ng kwartong ito, kailangang ayusin ang mga upuan upang mailabas ang good social atmosphere.
Sa pangkalahatan, ang paglalagay sa mga upuan nang nakaharap sa gitna ng kwarto ay makatutulong dito.
Upang mabatid kung saang direksyon ka nakaharap kapag nakaupo sa living room, gumamit ng compass.
ni Lady Choi