Wednesday , November 20 2024

Square deal naghahanap pa ng kalaban

00 rektaSa pagbabalik ng pakarera sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ay mainam na abangan ang aming mga nasilip gaya ng mga kabayong sina King’s Reward, Square Deal, Limit Less at Windy Hour.

Si King’s Reward ay mainam sa kamay ni Miles Vacal Pilapil na tumapos ng marami pang ibubuga. Si Square Deal ay halos tangayin at hilahin ang sakay niyang si Toberts Calingasan sa ibabaw, ikanga ay senyales na naghahanap pa ng mas malakas na laban.

Si Limit Less ay sukat na sukat sa kanya ang mga distansiya sa pista ng SAP, lalo na kapag matapat pa sa gabi o malamig na panahon ang kanyang laban. Si Windy Hour ay kaya pang umulit kung sa parehong diskarte lamang ni Mark Alvarez ang gagawin sa kanya, iyong hindi kaagad magagalawan ng maaga upang sa gayon ay may maipang-tapat na lakas sa rektahan.

Mga paningit ay sina Proud Papa, Renzie Stays, Runaway Champ, Eccles Cake, Guapo Po, Relentless, Batanguena, Good Boss, Speed Maker, Bestman at Iron Monk.

 

ni Fred L. Magno

 

About hataw tabloid

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *