Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-4 Labas)

00 ngalan pag-ibig‘Bakit ganu’n? ilang oras pa lang kitang ‘di nakikita, e miss na agad kita,” ang padala niyang mensahe kay Jasmin.

“Wow, ha?” reply nito.

“Totoo ‘yun…” aniya.

“Cge, ‘bye…” anito sa text.

“Matutulog ka na?” naitanong niya.

“Oo. Maaga kc gcing ko tom. Maglalaba me ulit,” banggit ng dalaga.

“Sa dati?” usisa niya.

“Saan pa nga ba?”

“Ah, ok. Gudnyt, Jas…Swit drims.”

Sa ilog nakilala at nakapalagayang-loob ni Karlo si Jasmin. Doon kasi sila umiigib ng tubig ng pinsan niyang si Boknoy. Doon din naglalaba at kumuha ng pampaligong tubig si Jasmin.

“Ano ba’ng okasyon at panay ang ikot ng mga ati-atihan?” naitanong ni Karlo kay Jasmin.

“Malapit na ang araw ng kapistahan sa atin, di ba?” sabi ng dalaga.

“E, di may pa-singing contest , Jas?”

“Tradisyon na ‘yun, Karl…”

“Sasali ka?” antig niya kay Jasmin.

“Ayoko sana, e… Pero mapilit si Inay…” diga nito.

“Talaga naman kasing maganda ang boses mo, e,” pakonswelo niya sa nililigawan.

“Bola…” ingos nito.

“Promise… Tagahanga mo nga ako, e,” sundot niya, titig na titig kay Jasmin.

Nagtungo ng ulo ang dalaga na pina-mulahan ng mukha.

Isang gabi’y tinawagan ni Karlo sa cellphone si Jasmin. Kinapa niya ang damdamin nito sa pagtatapat ng pag-ibig.

“I love you,” ang prangka niyang sabi.

Hindi agad nakapagsalita ang dalaga.

“Anong sagot mo?” aniya sa nililigawan.

“E, di wow!” anito, may sigla sa tinig.

“Seryoso ako, Jas…”

“Seryoso rin ako, Karl…”

“Ano talaga ang sagot mo?” pangungulit niya.

“’Yun nga, Karl… E, di wow… Kasi’y mahal din kita.” (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …