ANG agarang epekto ng feng shui ay mapapansin sa iyong moods. Ang iyong outer chi ang umaakto bilang antenna, nagdudulot ng bagong chi, at ito’y mabilis na nagdudulot ng pagbabago sa paraan ng iyong pag-iisip at nararamdaman. Ang sumusunod ay mga paraan kung paano makabubuo ng iba’t ibang moods sa isang room.
* Ang isa sa pinakamatinding impluwensya sa iyo ay ang mga kulay ng paligid. Sa paglalakad sa isang brightly colored room patungo sa ibang kwarto ay mababago ang iyong chi, dahil iba’t ibang light frequencies ang dumadaan sa iyong surface chi.
* Ang imahe at simbolong ginagamit sa espasyo ay maaaring magpabago sa iyong nararamdaman, dahil ang bagong pananaw o alala-alang idudulot ng mga imahe ay magpapabago sa daloy ng iyong chi.
* Ang ilaw ay may mabilis at flexible na paraan sa pagbabago ng atmospera ng kwarto. Sa pagpindot ng switch ang maliwanag na ilaw ay maaaring mabago patungo sa ‘di gaanong maliwanag ngunit swabeng iluminasyon.
* Hindi lamang nagdudulot ang mga kandila ng softer orange light, ngunit ang paggalaw ng apoy ay nagdudulot ng subtle movement sa kwarto. Maaari ring magkaroon sila ng hipnotikong epekto, at ang kandila ang magiging focal point ng room.
ni Lady Choi