Thursday , May 8 2025

Mayweather, Pacquiao demandado!

050415 pacman floyd

PAGKATAPOS ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather noong May 3 na napanalunan ng huli via unanimous decision, nagkakaisa ang boxing fans na nakasaksi sa laban na harang ang nasabing bakbakan.

Pagkaraan ng tatlong araw ay waring may buwelta sa dalawa ang walang kuwentang laban at nahaharap sila ngayon sa demanda.

Lumabas sa kolum ni David Mayo ng dmayo@mlive.com na nagsampa ng demanda ang dating live-in partner ni Mayweather na si Josie Harris (ina ng apat na anak ni Floyd) dahil sa pagtatahi ng kasinungalingan ni Floyd na inaakusahan siyang gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa isang nakaraang interview. Ayon sa TMZ, humihingi si Harris ng $20 million in damages.

Samantalang si Pacquiao ay nahaharap naman sa isang class-action suit na isinampa ng dalawang residente ng Nevada sa paglaban nito kay Mayweather na may iniindang malalang injury sa balikat.

 

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *