Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jumbo Plastic vs Ama Titans

020415 PBA D LeagueSISIKAPIN ng Jumbo Plastic Linoleum na makabawi sa magkasunod na kabiguan sa sagupaan nila ng delikadong AMA University sa 2015 PBA D-League Foundation Cup mamayang 3 pm sa Ynares Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa ganap na 1 pm ay puntirya ng Tanduay Light ang ikalawang sunod na panalo kontra MP Hotel Warriors.

Ang Jumbo Plastic ni coach Stevenson Tiu ay may 2-3 karta matapos na matalo sa huling dalawang laro nito kontra Cagayan Valey-Gerry’s Grille (73-57) at Cebuana Lhuillier (81-66).

May 3-4 record naman ang AMA Titans ni coach Mark Herrera subalit mataas ang morale dahil sa galing ito sa impresibong 107-80 panalo kontra sa KeraMix Mixers.

Kaya naman kailangan ng Giants ng mas matatag

Pinatid naman ng Tanduay Light ang four-game losing skid nito nang tambakan ang baguhang Liver Marin, 92-76. May 2-4 karta ang Rhum Masters.

Ang MP Hotel Warriors ay nasa ikasiyam na puwesto at may iisang panalo sa limang laro. Ang tangi nitong nabiktima ay ang Cagayan Valley-Gerry’s Grille, 107-106 noong Marso 26 sa pamamagitan ng last second three-point shot ni Rey Nambatas.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …