Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hey, Jolly Girl (Part 2)

00 jollyNAGING INSTANT GF/BF SINA JOLINA AT ALJOHN NA APRUB SA TROPA

“From here, saan pa ang larga?” si Aljohn, lumipat ng upuan para tabihan si Jolina.

“Back to home base…” ngiti niya sa binata.

“Wala kayong date ng BF mo?” sabi ni Aljohn, patay-malisyang nanghawak sa kamay niya.

Umiling siya.

“Zero ang love life ko,” aniya na parang modelo ng toothpaste na nagpapakita ng mapuputing ngipin.

“Available ako… “ nang-akbay sa balikat niya si Aljohn.

Kinilig siya pero hindi siya nagpahalata.

“Guys, aprub ba sa inyo na mag-MU na ka-ming da-lawa?” pagtawag sa atensi-yon ni Aljohn sa mga kabarkada.

“Yes na yes!” ang sagot sa umpukan ng mga magkakatropa sa pahabang mesa.

“Bagay kayo ni Bes, Aljohn!” tili ni Teena.

Umusod sa tabi niya ang silyang inuupuan ni Aljohn.

“Tayong dalawa na, ha?” kindat kay Jolina sabay sa pagtawa.

Napipi si Jolina. Sa loob-loob niya, mabilis talaga sa chicks si Aljohn. Ni hindi man lang nag-propose sa kanya. Pero hindi naman niya makuhang magpakiyeme-kiyeme dahil baka magbago pa ang isip nito. Na-ging instant ang pagiging mag-girlfriend-boyfriend nilang dalawa. At period na siya roon.

Kinabig siya ni Aljohn pahilig sa balikat, Kumabog sa dibdib niya ang kakaibang ligaya. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanyang mukha. Padampi itong nanghalik sa mga labi niya. At napapikit siya sa paglasap ng katamisan niyon.

Nagpalakpakan ang mga katropang babae at lalaki nina Jolina at Aljohn. May tumambol-tambol pa sa ibabaw ng mesa.

“Kayo na… Kayong dalawa na!” sigaw sa pang-uurot ni Big Jay, ang malaki at tabatsoy na estudyanteng ka-buddy ni Aljohn.

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …