INIHAIN ng isang newscast director ang kanyang resignation letter sa pinaka-sweet na paraan.
“I handed in the most delicious letter of resignation ever,” pahayag ni Mark Herman, newscast director ng KOLD-TV sa Tucson, Arizona, isinulat niya sa Reddit, at ibinahagi ang larawan ng kanyang sugary letter sa social news site.
Sinabi ni Herman kay Jim Romenesko, nagdesisyon siyang i-print ang kanyang resignation letter sa cake upang mapabanayad ang epekto ng kanyang anunsiyo.
“I knew they’d be disappointed in my departure,” aniya. “So I decided that I should resign via cake — not only because nobody can be mad or sad at a cake, but also because I’m a bit of a joker and a cake of resignation is pretty damn hilarious.”
Sinabi ni Herman, magiging automation director sa WKRN-TV sa Nashville, Tennessee, nasorpresa ang kanyang boss sa kanyang “letter,” isang cake na may strawberry filling.
“She laughed and said, ‘No way! You crack me up!’ … She took it over to the 2 o’clock news meeting and made the announcement to everyone. We all had a good laugh, and it was a great way to start a Friday,” pahayag ni Herman kay Romenesko. “The cake definitely made the bad news a little bit more palatable.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na may isang tao na nagdesisyong i-print ang kanyang resignation letter sa cake.
Nitong nakaraang taon, ayon sa ulat ng Guardian, si Chris Holmes, immigration officer sa Stansted Airport sa England, ay isinulat ang kanyang resignation letter sa pamamagitan ng icing sa home-baked spiced carrot cake. Sa kanyang sulat, ipinaliwanag niyang iiwanan niya ang kanyang trabaho upang magkaroon nang sapat na panahon para sa kanyang pamilya at sa negosyo – ang cake making. (THE HUFFINGTON POST)