KUNG minsan, matapos panoorin silang maglaro sa napakatagal na panahon, nakalilimot tayong isipin na mahirap din ibuslo ang bilog na bola sa flat goal na 10 talampakan ang taas mula sa lupa—at lalo na kung ang layo nito ay 24 talampakan, ilang pulgada lang makalampas ng three-point line sa NBA.
Pero para kay Golden State Warrior guard at MVP candidate Stephen Curry, hindi ito ganoon kadali, mula sa Associated Press.
Iniulat ng ESPN na nakagawa si Curry ng 77 magkakasunod na 3-pointer kasunod ng kanilang practice. Ayon kay Curry, ito ang pinakamaraming nagawa niya, at naitala rin niya ang 94 sa 100 buslo sa nasa-bing session.
Pangunahing kandidato para sa MVP ng liga, nahi-gitan na ni Curry ang kanyang NBA record para sa pinakamaraming 3-pointer sa isang season: 284.
Garantisado ang pambatong guwardiya ng Golden State Warriors na manguna sa NBA sa three-point makes at attempts para sa third straight season. Sa ngayon ay nag-average siya ng 44 percent mula sa long range, tamang-tama lang sa kanyang career mark, sa liga na ang average ay 35 percent. Huwag lang magkaroon ng aberya, magtatapos siya sa kanyang basketball career bilang ‘the best shooter in NBA history.’
Kinalap ni Tracy Cabrera