Friday , May 9 2025

SMB vs Kia

020415 PBA

PAGHIHIGANTI at pagbangon buhat sa pagkakadapa ang pakay ng San Miguel Beer sa duwelo nila ng KIA Carnival sa PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magtatagpo naman ang NLEX at lumakas na Barako Bull sa unang laro sa ganap na 4:15 pm.

Matatandaang hiniya ng KIA ang San Miguel, 88-78 sa nakaraang Commissioner’s Cup. Kapwa hindi nakalampas sa elimination round ang Carnival at Beermen.

Ito ay nagsilbing matinding dagok sa Beermen dahil sa nagkampeon sila sa Philippine Cup.

Pinabalik ng San Miguel ang 6-5 na si Arizona Reid na naglaro rin para sa kanila sa Commissioner’s Cup kahit pa 6-5 lang ang sukat nito at puwedeng kumuha ang San Miguel ng import na may height na 6-8. Walang makakasamang Asian reinforcement si Reid.

Hindi na kumuha pa ng ikalawang import si coach Leo Austria dahil naniniwala siyang matatag na ang kanyang backcourt na pinamumunuan nina Alex Cabagnot at Chris Ross.

Aasa rin si Austria kina reigning Most Valuable Player June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter at Chris Lutz.

Hindi nakabalik sa poder ng KIA ang 7-4 na si PJ Ramos dahil sa commitment nito para sa Puerto Rico. Kaya kinuha na lang ng Carnival ang seven-footer na si Hamady Barro N’Diaye na nakapaglaro para sa Washington Wizards at Sacramento Kings sa NBA.

Kinuha rin ng KIA ang serbisyo ng Chinese Taipei star na si Jet Chang. Ang 26-taong gulang na si Chang ay proukto ng Birgham Young University-Hawaii. Inihatid niya ang koponang ito sa runner-up finish sa 2011 NCAA Division II tournament. Naglaro din siya para sa Chinese Taipei sa 2009 at 2011 FIBA Asia championships.

Ang NLEX, na natalo sa Meralco sa quarterfinals ng nakaraang Commissioner’s Cup, ay pamumunuan nina Rob Jones at Micheal Madaly.

Ang 6-5 na si Jones ay produkto ng Mary’s College of California. Naglaro siya sa Brujos de Guayama sa Puerto Rico. Bago iyon ay dumayo na rin siya sa Greece, Dominican Republic at Poland.

Sina Jones at Madaly ay tutulungan nina Paul Asi Taulava, Nino Canaleta, Mark Cardona at Enrico Villanueva.

Kinuha naman ng Barako Bull ang 7-2 na si Liam Paul McMorrow na huling naglaro para sa Iowa Energy sa NBA D-League. Hindi kumuha ng Asian reinforcements ang Barako Bull

Magugunitang matapos ang Commissioner’s Cup ay kinuha ng Barako Bull sina Dylan Ababou at James Forrester buhat sa Barangay Ginebra kapalit ng kanilang first round pick sa susunod na season.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *