IPINAKIKILALA ANG BAGONG BIDA, HETO NA SI JOLINA
Jolina ang tunay niyang pangalan. Sa kanilang bahay, simpleng Jo ang palayaw niya. Pero dahil sa pagiging masayahin, Jolly ang itinawag sa kanya ng mga kaibigan at kabarkada ay Jolly. Mula sa pagkabata hanggang magdalaga ay puno ng sigla at kulay ang buhay niya.
“’Susmaryosep! An’dami palang namatay sa Yolanda,” ang naibulalas ng kanyang Mommy Vivian habang nanonood ng balita sa telebisyon.
“Ngiii, Mommy… Ilipat mo nga sa ibang channel ‘yan…” pangingilabot ni Jolina sa mga footages na kuha sa mga bangkay na biktima ng super-bagyong na-nalasa sa lalawigan ng Samar.
Inilipat ng nanay ni Jolina sa ibang es-tasyon ang tala-pihitan ng telebisyon. Natapat iyon sa isang lumang comedy film.
“Kakabagan ka na n’yan, e… Baka mautot ka sa katatawa,” puna ng kanyang ina.
“E, di wow!” bungisngis pa rin niya.
Karakter na iyon ni Jolina na ayaw sa mga kadramahan ng buhay. At tulad din siya ng mga makabagong kabataan na mahilig sa mga kasayahan at gimik.
“Hey, Jolly, tena…” yakag kay Jolina ni Teena.
“Saan ang lakad?” tanong niya.
“Palamig muna tayo sa dati…” ang sa-got ng kaibigang coed.
“Punta ba ro’n ang dabarkads?”aniyang sumabay sa paglalakad sa paglabas ng campus sa kaibigang estudyante.
“Nandu’n na sila, Bes… Pati si Aljohn,” ngiti nito sa kanya.
Kaklase ni Jolina si AlJohn, ang crush ng bayan sa kanilang eskwelahan. Pati naman siya ay kinikilig din sa kapogian nito. Katropa ito ng mga kabarkada niya. At para mapansin ng binata, panay ang eksena at pagpapa-cute niya sa tuwing nagkikita-kits sila. Paborito nilang hang-out ang isang tea house sa labas ng bisinidad ng kanilang uni-bersidad. Doon sila nagpapatay-oras, nagpapalamig-lamig at nagtsitsika-tsikahan ng kung anik-anik lang. (Itutuloy)
ni Rey Atalia