MAAARI mo ring ikonsidera ang iyong pag-iisip sa characteristic ng mga hayop na iyong kinakain. Ang nervous animals (katulad ng manok) ay pasado sa tipo ng chi kapag iyong kinain. Ang mga isdang katulad ng salmon ay magbibigay sa iyo ng chi na tutulong sa paglangoy pasalubong sa dumadaloy at tumatalong obstacles, habang ang pusit naman ay makatutulong sa iyo sa pag-relax at pag-ayon sa daloy.
Bukod sa characteristics ng pagkain, isipin mo rin kung paano inihahanda ang mga pagkain. Ang pagprito sa malakas na apoy ay magdaragdag ng maraming fiery chi energy sa iyong mga sangkap. Ang enerhiyang ito ay papasok sa iyong sariling chi field, na makatutulong upang maramdaman ang pagiging more outgoing and expressive. Sa kabilang dako, ang marahan namang pagluluto ng putahe ay magbibigay sa iyo ng more slow-burning energy.
Ginagamit ang teas mula pa noon bilang lunas sa ano mang mga sakit mula sa digestive disorders hanggang sa sakit ng ulo. Ang mainit na likido ay madaling ma-absorb sa bloodstream at nagpapaginhawa sa digestive system. Dahil ang tubig ang main ingredient ng ano mang tea (at ang katawan ay primarily made up of water), madaling mag-interact ang water chi sa chi ng tubig sa loob ng iyong katawan, na makaiimpluwensya sa iyong kalusugan at emosyon.
ni Lady Choi