MAY mga bagong akusasyon na naman laban kay Vice President Jojo Binay.
Ito’y tungkol sa “dummy” niya sa mga kompanya na kumukopo sa mga kontrata sa Makati City government na pinagharian niya at ng kanyang pamilya simula 1986.
Kahapon, sa muling pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y mga katiwalian ng pamilya Binay, nabanggit ang pangalan ng pamangkin ni dating Senador Joker Arroyo na si Dr. Jack Arroyo na umano’y isa sa mga dummy ni VP Binay sa isang kompanya na kumakamal ng limpak-limpak sa transaksyon sa Makati gov’t.
Ang nagbunyag nito ay si Atty. Renato Bondal, ang nagsiwalat din ng grabeng katiwalian sa pagpatayo ng Makati Parking Building 2, Makati Science High School at Ospital ng Makati.
Sabi naman ni Senador Koko Pimentel, dapat suportahan ni Atty. Renato Bondal ang kanyang bagong akusasyon tungkol kay Dr. Arroyo na umano’y tumatanggap ng 20% sa kita ng kompanya na hindi naman siya kabahagi… kundi bilang dummy lamang ni VP Binay.
Aba’y grabe na ito! Kung mga kasinungalingan at paninira lang ang ginagawa nitong si Atty. Bondal kay VP Binay, dapat na niyang kasohan si Bondal.
At mas maigi kung sagutin niya nang punto por punto ang mga akusasyon sa kanya sa Senate inquiry para matuldukan na ang paninira kuno sa kanya.
Ang problema, ayaw humarap sa Senado ni VP Binay. Ang tanging sagot niya ay “politika lang ‘yan, paninira lang yan.”
Sa halip, umiikot si VP Binay sa mga kapuluan para mangampanya sa kanyang kandidatura sa 2016…
Iboboto n’yo pa ba sya?
Nawala ang awa sa pamilya Veloso
– Dati, awa ang aking naramdaman nang mabasa ko sa pahayagang Police Files TONITE na isa namang Pilipina ang kasama sa walong isasalang sa Firing Squad ng Indonesian gov’t sa katauhan ni Mary Jane Veloso. Ngunit nang makita ko ang mukha ni Gng. Veloso, ina ng Pinay drug convict (Mary Janes Veloso), sa isang pahayagan na para bang isang galit na Lion o Tiger at naglabas pa ng mga hinanakit sa ating Pangulo at nagwika siya na “ngayong dumating na kami mula sa Indonesia, marami kaming sisingilin na pautang sa gobyerno natin sa kanilang kasinungalingan”. Dito na po nagsimula ang super galit ko sa pamilyang Veloso. Naalala ko tuloy ang mga katagang “kasalanan ni Juan ay isisisi kay Pedro”. Sayang lang ang mga effort ng gobyerno sa pamilyang Veloso. Kampi ako ngayon kay PNoy dahil sa asal ng pamilyang Veloso na kulang sa moral values, ngunit galit parin ako kay PNoy dahil sa nangyari sa 44 PNP-SAF. – 09496984…
Para kay Chairman Teves ng Muntinlupa City
– Panawagan sa aming barangay chairman na si Danny Teves ng Putatan, Muntinlupa City na sana masarado na ang takbukan ng mga holdaper at istnatser dito sa loob ng Greenheights na kung tawagin ay Borol. Sa gabi ay madilim at walang ilaw ang kalsada sa Borol kaya dito nahuholdap ang mga residente. Sana ay masara na ang takbuhan ng mga holdaper at isnatser. At kung di ito masara, lagyan nalang ng outpost na gabi gabi ay may barangay tanod nang di matakot ang mga residente ng Greenheights. – 09333569…
Kilala ko itong si Chairman Danny Teves. Tiyak aaksiyunan nya ang suggestions na ito ng kanyang residente. Aksyon, pare ko!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]
ni Joey Venancio